Friday, January 16, 2009

Don't Mess Up With A Bad Trip!!!

Bad trip si Libag.

Bago pa kasi umiinom mabigat na ang loob niya kakaisip ng kanyang "it's complicated" na love story.

Kaya ayun... nung nakakarami na ng inom, naupo sa sidecar ni Ate Rose sa tapat ng tindahan.

Tahimik...
Nakatingin sa malayo..
Habang ang sigarilyo'y nauubos na lamang ng kusa sa kanyang mga daliri...

Nang biglang parang meron siyang nakita sa may kalayuan. Mabilis na tumayo sa kanyang kinauupuan at tumakbo sa direksyon patungong Kalye Antipolo. Sa pagkakataong ito nagtakbuhan na rin ang buong barkada at sinundan si Libag habol ang isang lalaki.

Pagdating ng tropa sa kanto ng Alkalde at Antipolo, natagpuan nila ang iba pang mga kaibigan sa lugar na yun na humarang at humawak sa isang lalaki na kung iyong susuriin ay takot na takot sa mga siga at tambay na nakapaligid sa kanya.

"Bakit ba Libag? Anong ginawa nitong mamang ito?", tanong ng isa.

"Magnanakaw ba ito", ang sundot ng isa pang ka-tropa na naka-abang ng sumuntok.

Ang lahat ay handa na maki-libreng suntok at tadyak ... naghihintay na lamang ng hudyat mula kay Libag.

"Ano ba talaga kasalanan nito Libag?", ang tanong ng lahat habang nakatingin sa lalaki na ngayon ay namumutla na sa takot.




"SUSPICIOUS LOOKING MGA P'RE!!!!!", sagot ni Libag.

"HUH!!!".... sabay-sabay na sagot ng lahat.

Ang mga tambay... hindi alam ang gagawin.

Maya-maya pa'y binitiwan na lang nila ang lalaki na nagtatakbo papalayo na akala mo'y nakaligtas sa isang malaking panganib.

Bumalik na lang sa tambay ang iba...

Ang iba naman sabay-sabay bumalik sa inuman.. habang pinagbabatukan si Libag!!!

Suspicious looking lang magugulpi pa yung mama!!!

2 comments:

  1. Very interesting itong blog mo, Edmund!

    Eric

    ReplyDelete
  2. Salamat Senor Enrique!
    Maraming pang kwento sa mga darating na araw. Mabuhay ang batang manileno!!!

    Ang pagbisita mo dito sa blog ko ay isang malaking karangalan... maraming salamat ulit!

    ReplyDelete