Maraming pinoy ang naniniwala sa HULA!
Hindi lang ito pang-probinsiya ngunit maging sa progresibong lungsod tulad ng Maynila. Sa katunayan nga sa labas ng simbahan ng Quiapo na nasa puso ng lungsod ng Maynila matatagpuan ang sari-saring paraan ng panghuhula. Merong gumagamit ng tarot cards, meron namang ordinaryong baraha lang. Merong gumagamit ng tubig (paggumalaw yung tubig me-bad spirit), at meron namang gumagamit ng chess board (oo! mahuhulaan mo kung sino matatalo dito!). Mas mabisa daw ang hula kung pupunta ka sa araw ng (hindi ko na matandaan). Eh, sasabayan mo pa raw ng nobena! Kaya daw sila nakapwesto sa labas ng simbahan. Ayos di ba?
Maraming topic ang pwedeng itanong sa manghuhula. Nandyan na yung madalas na tanong sa pag-ibig ("Mahal na ba niya ako?"), o tanong ng isang nagdududa ("Sabihin mo nga sa akin kung meron ng ibang mahal si Maximo ko???").
Pero etong kaibigan kong ito, merong ibang experience sa panghuhula.
Naaalala niyo yung friend ko yung humihingi ng yelo? (See my previous post Ice...Good for the Heart. Kwento niya ulit ito!
Isang gabi, habang kami naglalaro ng baraha, lumapit itong kaibigan naming gurl. Siya yung lihim na pag-ibig ni Yelo-boy.
"Marunong ako manghula", wika nitong gurl.
"Talaga???", tanong naman namin.
"Oo, gusto niyo hulaan ko kayo?", ang pa-bidang banat ni gurlalu.
"Sige, ako una!", ang excited na sagot naman ni Yelo-boy. Ang totoo nito, nais lang ni Yelo-boy makaniig ang lihim niyang iniibig na dalaga.
Binalasa... kinat... balasa ulit... hinipan!
"Ah... in-love ka!", ang pasigaw na sambit ng dalaga pagkatapos tingnan ang mga alas at hari. Bigla namang namutla itong si binata!
"Nakakahalata na kaya siya?", ang tanong niya sa kanyang isipan (oo noh narinig ko!).
"at hindi mo pinapaalam sa kanya na mahal mo siya..." ang dugtong na wika ni gurlash pagkalabas ni queen of diamond.
"Todas alam na ata!!!", bulong ulit ni binata.
"PERO!...", pasigaw na banggit ni dalaga. "Friends lang turing niya sa'yo!", dagdag pa ni gurl.
Ayun... di pa nga nakakapagtapat ng pag-ibig... basted na! Dinaan sa hula eh.
Akala ko nga hihingi ng yelo ulit etong tropa kong ito!
Monday, December 29, 2008
How To Make Fun With Your GI Joe Action Figures
Can you still remember these amazing GI Joe Action Figures???
I don't have the luxury to have this kind of toy. Thundercats kasi ang collection ng mga kuya ko. Syempre bunso kaya kung ano yung laruan nila, ganun na lang din ang laruan ko. But since I had some generous friends, yung mga napagsasawaan nila binibigay na lang nila sa akin, if not na-uto ko lang sila.
If you are familiar with this toy, you might probably remember how you can move the elbows, knees, and head of this action figure. And the rubber connecting the hips and body. Sometimes we twist it like winding a key of a walking doll. Tapos bibitawan mo... tingnan mo paikot ikot yung katawan niya. Pero wag masyadong ipihit kasi baka maputol yung goma! And be careful also yung part na tinatawag naming brief (between the legs), kasi madaling maputol.
We usually trade its accessories... backpacks, ammunitions, pet dogs (yung iba kasi merong alagang aso), and others. Sa ganung edad pa lang, we were already exposed with business trading with one rule to follow: KUNG SINO MAS MAGALING MANG-UTO PANALO! I'll give you some samples:
one .45 pistol = helicopter ni Airborne
one backpack ni Alpine = Blowtorch (with complete accessories)
di ba parehas?
As option, hindi lang GI Joe to GI Joe lang ang palitan! Kung mas magaling ka talaga sa trade mas maraming pwedeng mapapalit:
Sample:
Bazooka (with complete accessories) = Two He-Man action figure
Just make sure before you make a trade that you tighten all the screws of your action figure. Para magmukhang bago pa!
There were many ways how we played this toy kung bored na kayo sa simpleng laro lang na ikaw ang laging bida:
1. Camp to camp defense (with sand fortress) - during those times, maraming nagpapaayos ng bahay sa amin. From wood to bricks. So, maraming buhangin during construction. Sa tambakan ng buhangin kami gumagawa ng mga kampo ng GI Joe. Kawawa ka nga pag napag tripan ilibing ang GI Joe mo at hindi mo na makita. Sa ganitong pagkakataon nadadagdagan ang laruan mo.
2. Blow Up Your GI Joe - para makatotohanan ang action, pinapasabugan namin ng triangulo ang mga GI Joe namin. Tumatalsik talaga yung laruan mo na parang totoong nasabugan. Minsan paliliparin yung eroplano tapos sasabog sa ere... parang totoo talaga! Pati yung laruan mo sabog na rin. Just make sure eto yung least sa favorite mo (or yung laruan ng kaibigan mo na lang at wag yung sayo).
3. Jazz-up Your GI Joe - minsan pinagpapalit namin ng mga damit. Madali lang naman gawin. Basta meron kang screw driver maluluwagan mo yung mga turnilyo tapos ipagpalimot mo na yung mga katawan ng GI Joe.
4. Alternative Jazz-Up Your GI Joe - eto hindi ko alam kung mag-eenjoy kayo. Si Libag at ang kanyang pinsan na si Japot lang ang alam kung gumawa nito... please dont read kung hindi kaya ng sikmura niyo... gumawa kasi sila ng damit ng GI Joe mula sa balat ng daga... YES! rat! yung itim ha! Binalatan nila yung daga at sinuot sa laruan. Ang cute nga ni Destro meron pang hood.
Yun lang muna. Marami pa akong idadagdag na mga laruan namin nuon. Next time ulit!
Wednesday, December 24, 2008
Multiply site - pwede pala!
Subukan ko lang kung makikita rin ito sa multiply site ko.
Pwede daw kasi cross-chuva... nakalimutan ko yung tawag... basta!!!
Pag nag post ito sa multiply ko ibig sabihin pwede!
Tingnan niyo na lang Mga Kwento ni Vermites.

Maligayang Pasko
Masaya na naman ang Pasko niyo!!!! Syempre dito rin.
Kahit nasaan ka naman ata masaya ang pasko... basta masaya ka. Pero kung malungkot ka, eh hindi. Lakas pala ng tama mo eh!
Anyway, bumabalik ang mga alaala ko ng kabataan tuwing ganitong pasko. Karoling, simbang gabi, lugaw na merong laman, ibat ibang kakanin, ibat ibang putahe, ibat ibang pa-cute, pormahan, diskarte!, tugtugan, at marami pang iba.
Sa LAHAT ng mag-iinuman dyan sa iskinita paalala lang: Iligpit ang pinag-inuman at magbayad ng utang ... luge na ang tindahan ni Ate Rose. HAPPY THOUGHTS lagi at walang away!
MERRY CHRISTMAS po!!!!

Saturday, December 20, 2008
A Tribute To Kuya Boy Labo
The leader of the band is tired
And his eyes are growing old
But his blood runs through my instrument
And his song is in my soul
This post is dedicated to Kuya Boy Nuqui. Please dont get me wrong.... di pa po sya patay!
Sa pagkakataong ito, nais naming magbigay pugay sa taong naging inspirasyon namin sa pagmamahal sa musika.
Si KUYA BOY NUQUI aka Boy Labo ay kilala sa Gagalangin, Tundo bilang magaling, mahusay, mabangis, malufet ngunit masungit na instruktor ng musika.
Sa aking pagkaka-alam, meron siyang banda dati.. original buhay musikero! Kung saan-saan na siya nakarating dahil sa kanyang hilig sa tugtugan. At hindi lang yun, nakilala rin siya sa pagtuturo ng choir sa parokya ng St. Joseph Gagalangin.
Bago ko pa siya makilala, naririnig ko na ang kanyang pangalan. Merong halong takot sa tuwing nababanggit ang kanyang pangalan sa organisasyong aking tinutugtugan.
"Ayusin niyo tugtog niyo! Pagdating ni Kuya Boy todas kayo!", babala ng isang brod.
"Naku, namamahiya kaya yun! Kung ako nga napa-iyak nun minsan sa praktis", dagdag naman ng isa.
Siguro masasabi ko na dahil sa kanyang pagiging istrikto kaya siya nababansagang namamahiya ng tao. Siguro... style niya lang yun.
Simula ng makilala ko si Kuya Boy, naging iba na ang pagkakilala ko sa kanya. Dugong musikero talaga! LAKAS DIN NG TAMA!
Welcome Kuya Boy Labo dito sa istorya ng buhay namin. Mahal ka namin!
Wednesday, December 17, 2008
Operation Doorbell
Sa kalye Dalaga, halos lahat ng bahay dun merong doorbell. Sari't saring tunog ang maririnig mo. Merong "DING-DONG", "KRING-KRING", "TING-TING", "PING-PING", at ibat'ibang inuulit na tunog. Meron din namang mga kakaibang tunog tulad ng "OONGGGG", "RIIIIIIIINNGGGG!!!!!!", at marami pang ibang napakasakit sa tenga na akala mo merong sunog!
Isa sa mga nakakatuwang trip (at nakaka-irita naman sa iba) namin ay ang Operation Doorbell!
Simula sa kalye Cavite hanggang Antipolo, lahat ng doorbell na madadaanan namin ay pipindutin namin...
DING-DONG!!! (takbo)
KRING-KRING!!! (takbo)
TING-TING!!! (takbo... minsan merong nadadapa!)
PING-PING!!! (takbo ulit)
OONGGGG!!! (takbo pa rin)
RIIIIIIIINNGGGG!!! (takbo ng takbo bilis)
At dun sa huling bahay, merong kakaibang doorbell... actually hindi siya doorbell.... maingay na tahol ng aso! Walang pipindutin kaya kinakalabog na lang namin ang mataas na gate nila.
"DUG! DUG! DUG!", ang kalampag namin sa pulang gate.
"AWW! AWW! AWWW! RRRRRR!!!!! AWW! AWWW! AWW!!!" sigaw ng malaking aso.
Takbuhan kami.. hanggang sa kanto ng Antipolo.
Matatanaw namin na lang na ang lahat ng kapitbahay ay nasa labas...
merong akala meron silang bisita,
meron namang naiinis at napag-tripan na naman sila...
Sa ganitong pagkakataon, nagkikita-kita ang magkakapitbahay... nagkakaisa... na iinis...
BWISET!
P.S.
Plinano na rin namin minsan lasunin yung aso kaso di tumalab...
hehehehehehe...

Tuesday, December 16, 2008
Mga Amazona
Birthday noon ni Libag.
Maraming bisita,
maraming pulutan,
maraming inumin.
Merong mga bagong kakilala at meron din namang dun lang din nakilala. Sa katunayan, meron nga mga ronda-pwersang bisita. Yung mga tipong "you're my honey only in this inuman ha!" babes. Di ko na babangitin kung kanino sila nakakandong magdamag. Basta merong ganun. Magaganda ba kamo? Sabi nga ni Daddy, bihisan lang ang poste ng pangbabae papatusin na raw ng barkada pag lasing. Eh, lasing... what to do?
So yun nga ulit! Talagang dinadayo kapag birthday ni Libag.
Madaling araw na nung umuwi yung ibang bisita. Nagprisinta na lang yung iba maghatid sa sakayan kasi di alam nung mga bisita kung saan mas madaling sumakay sa ganung oras.
Habang tuloy ang kantahan, kwentuhan... biglang dumating ang mga kaninang nagpaalam na mga bisita at mga naghatid na akala mo'y merong humahabol.
"Mga tsong napag-tripan kami", sabi nga isa.
"Si Tenga pinuntarya!", dagdag pa ng isa.
Nagmamadaling nagtayuan ang lahat ng bisita at lumusob nagbabakasakaling nandun pa yung mga nag-trip sa tropa.
Naging bad trip na ang mga sumunod na eksena... yun yung pinaka bad trip na birthday celebration ni LIBAG! Pero alam nyo tuwing naalala namin yun at napag kukwentuhan ... meron pa ring eksena na napapatawa kami.
Naaalala niyo yung mga ronda-pwersa na naka-kandong kina _________ ?
Nung nagkalusuban at nagkaduruan na with the enemies... etong mga ronda-pwersang ito ang nasa frontline...
Naka tapak!
Merong mga hawak hawak na malalaking bato!
At matunog na matunog magmura ng ganito.... !@^%!$@#^%$#@*^!@*&$!!!!!!!!
Sa buong eksena ata ng away... sila yung inaawat namin...
Mga amazona talaga! Wa' poise!
Bale yun na yung last namin sila nakita... matotodas pala kami sa tapang ng mga yun!

Sunday, December 14, 2008
When Fun Hits Its Limit
Sa sobrang saya ng barkada marami kami lalong nakikilala. Kapag ang isang bisita natuwa sa nakaraang inuman, sigurado magsasama pa ng iba pang kakilala niya.
Kapag maraming barkada, tumataas din ang requirements:
A. Mas malaki ang kailangan na lamesa
Iba kasi pag nasa isang lamesa lang kayo. Organized tingnan at centralized ang usapan. Pag merong mga bagong kaibigan lalo mo nakikilala pagmagkakaharap kayo. Ang tendency kasi pag walang malaking lamesa, ang mga bago ma-Out-of-Place or kung marami sila, sila sila na lang mag uusap.. kami naman ang OP!
B. Mas maraming inumin ang kailangan
Syempre kapag maraming iinom mas maraming inumin ang kailangan. Minsan nga sa sobrang dami ng tumatagay, dalawa hanggang tatlong baso na ang pinaiikot. Sa ganitong sitwasyon, yung isang baso counter-clockwise na ang ikot. Swerte mo kapag yung dalawang baso nagtapat sa'yo. Dalawa rin ang tagay mo!
Teka... nagiging tips na itong blog na ito on how to organize a big inuman! Next time na lang yun. Balik tayo sa subject.
Yun nga!
Mahirap talaga i-organize ang inuman lalo na kung merong mga bagong salta ... or dayo ... or tourist ...or visitor ... basta merong bago! Mapapansin mo kasi iba yung trip niya kapag nalalasing. Merong magulo, merong hanap away, merong iyakin, merong mababaw ang kaligayahan, meron naman hanap ka-addikan.... bad trip nga eh... ang sasama ng trip! Kami kasi happy thoughts lang lagi...
"Hoy! Madaling araw na magpatulog naman kayo!" sabi ng kabitbahay na galit na galit dahil sa di makatulog sa ingay ng mga nag-iinuman.
"Mga brod... mag na masyadong maingay", nahihiyang banggit ng may-bahay sa kanyang mga bisita.
"Ok bro no problem. Pakiusap mga tsong... konting hina na lang ng gitara", sabi naman ng isa.
TAAAAAK! --- ang tunog ng sinar-gong bilyaran.... patuloy na paglalaro ng mga dayong bisita.
"HOY! ANO BA? DI BA KAYO TITIGIL??? MAGPATULOG NAMAN KAYO!!!!" ang galit na sigaw ulit ng kapitbahay.
"HOY! IKAW ANG MATULOG... KUNG AYAW NAMIN MATULOG WAG MO KAMING PIPILITIN!!!! IKAW NGA ITONG WALANG GINAGAWA PATUTULUGIN MO KAMI!!!!", sagot naman ng naglalarong lasing na dayong bisita.
Nagtawanan ang mga lasing...
Natulala ang kaibigan naming may-bahay...
Natahimik kami sumandali...
Merong sumaway...
Maya - maya pa'y...
Eto na ang baranggay...
TODAS! si Chairman kasama mga tanod...
at kanya kanya na kaming takbuhan....

Wednesday, December 3, 2008
Kwentong Panty
Oh teenage years!
Years of excitement and adventures. Every young boy wants to experience almost everything... to eager to become a grown-up man. And when I say experience.. you know what I mean.
Tuwing Mayo 1, ang buong barkada ay merong outing. Nagsimula sa simpleng outing ng isang pamilyang na sinama kaming buong barkada ng kapamilya nila. Nuong una maghapon lang sa beach at nung mga sumunod na taon naging overnight na.
Kahit na magkakalayo na ang mga tirahan namin nagiging reunion itong outing na ito ... naging tradisyon na nga kung tutuusin.
Sa gabi bago ang araw ng outing, napupuyat ang lahat sa kahihintay makumpleto ang buong barkada. Isa isang dumarating mula sa iba't ibang lugar.
"Ayun na si Watu!", ang pasigaw na pagsalubong ng isa.
Sa bawat barkadang dumarating, mahabang kwentuhan at kantiyawan ang katapat. Walang tigil sa kamustahan.
"Hulaan niyo ano itong nasa bag ko", tanong ng bagong dating. Nang walang makahula, nilabas niya ang isang makulay na panty.
"Mga tsong, binyagan na ito!", payabang na pananalita nito habang winawagay-way ang makulay na panty tanda na nakakuha pa siya ng souvenir.
"Osss..... talaga? ... yabang nito..", ang medyong alinlangan na tugon namin. Di makapaniwala ang lahat sapagkat kilalang torpe at sablay sa diskarte ang nagyayabang.
Anyway, hinayaan na namin siya magyabang.
Kinabukasan, natuloy ang outing. Masaya... paminsan minsan nasasali pa rin ang pagyayabang sa kwento ng panty.
Lumipas ang isang taon, Mayo 1 na naman. Ganun ulit.... overnight outing... lasing... lasing... lashing..... lasssshinggggg......
Sa kalasingan.... merong umamin....
"Mga pre.... hindi naman sa akin yung panty na pinakikita ko last year....
Sa Tito ko yun.... siya yung nakaiskor....
Siya yung kumuha ng panty... para souvenir....
tapos... hinarbor ko na lang...."
Natigil ang lahat sa narinig na rebelasyon.... at sabay sabay na nagtawanan...
Makapagyabang lang kailangan pang manghingi ng panty....
Kaya simula nuon, tuwing merong bagong kwento itong kaibigan naming ito... ang tanong namin ay ....
"P''RE BAKA KWENTONG PANTY NA NAMAN YAN!!! "

Monday, December 1, 2008
First Time Rock Star
by LIBAG
some notes from GUZ
Talagang mahilig kami sa tugtugan kaya lahat ng mabalitaan namin na tugtugan sinasalihan namin. Mapa-fiesta, birthday, or battle of the band sasali kami. Ilang kasal na rin kaya ang nasira ang "sweet-loving atmosphere" dahil sa ingay namin. Pati lamay sa patay nag-guigitara rin kami.
Di naman kami ganun kagaling. Basta gusto lang naming tumugtog at nangangarap na sumikat kaya nga lahat ng tugtugan sali kami.
One time, sumalang kami sa isang battle of the band. FIRST TIME ITO! Talagang ang gagaling ng mga kalaban namin. Palibhasa bagito lahat kami eh kaya parang merong dagang nagtatakbuhan sa dibdib. Naka dalawang kaha yata ako ng yosi nun.
At eto na! Kami na ang sasalang. Wala pa rin akong gagamiting guitara (nanghihiram lang kasi kami). Buti na lang nakakita kami ng kakilala at pinahiram ako ng gitara.
Nag simula na ang unang kanta... at ayos! galing! puro sabet at ingay na nagmumula sa ampli ang ginawa namin. Kung titingnan mo ang mga tao akala mo ba'y nasira ang araw nila.
At sa wakas huling kanta't ingay na. Nag senyasan na kami ng isang gitarista hudyat ng malapit ng matapos ang kanta....
at....
tumigil na kami...
pero meron pa ring tumutugtog....
yung drummer pala namin tuloy pa rin sa pag-da-drums....
"one, two... one, two... one, two....", ang pabulong pa rin na pagbibilang niya...
sa sobrang kaba... hindi niya namalayan na tapos na pala yung tugtog namin...
"pare... tapos na tayo!"
... sabay kamot na lang ng ulo...
... bumaba kami na nakayuko ang ulo't namumutla...
... at sa bahay na lang kami nagkantyawan.... ang saya!

Sunday, November 30, 2008
KINDERGARTEN
by LIBAG
some notes from GUZ
Halos lahat ng barkada merong mga anak na. Pati ako meron na ring kinder na excited pagpasok sa school.
Naaalala ko tuloy nung ako rin ay papasok sa unang araw ko sa school, bago lahat ng aming mga gamit. Bagong uniform, bagong sapatos, at mga bagong libro na amoy galing pa sa imprentahan.
Hay! Bumalik tuloy sa alaala ko ung ginawa namin ng kaibigan ko...

First day pa lang ng klase nun di na kami pinauwi ng teacher namin dahil sa nasira namin yung sukatan ng height na nakadikit sa pader. Pinauuwi ba naman sa 'min at kailangang bayaran daw. Naputol kasi namin yung kamay ng tao dun sa height chart. Eh ganun kalikot ung kaibigan kong yun! Unang araw pa lang iskul bukol na agad kami.
Eto pa isang trip namin nung kinder...
Habang nasa canteen ang mga ibang kaklaseng walang baon kasama ng aming titser, kami namang merong mga baon ang nagtatagayan ng pinaghalo-halong inumin namin. Iniikot namin ng kaibigan ko ang isang baso at ang lahat ng klaseng baon na inumin ay nilalagay namin dito. Ang pinaghalo-halong gatas, chocolate, softdrinks, Zesto-O, juice, at iba't iba pa ang siyang pilit naming pinaiinom sa mga kaklase namin.
Mga ilang araw din nangyari iyon... hanggang isang araw natapos ang lahat dahil...
Naaalala n'yo ba yung nausong makulay na pamburang transparent? Yun yung pagtiningnan mo na
nasa likod niya ay araw or ilaw, umiilaw yung gitnang kulay. Dinurog namin yun at nilagay sa basong pinatatagay namin. Nang di na makayanan ng isa naming kaklase, itatapon na niya sa labas. Syempre, sa kinder hindi basta basta nakakalabas ang estudyante na walang paalam sa titser. Dito na nalaman ng aming titser ang operasyon namin. TODAS NA NAMAN!
Aminado ako na bully ako sa school. Pag nakita mong tumatakbo na kaklase namin siguradong ako na ang kasunod nun at bubugbugin ko na sila. Pero ngayon ako na siguro bubugbugin nila kasi ang lalaki na kasi ng katawan nila samantalang ako'y naiwan payatot pa rin.
images courtesy of: http://www.gailind.com for the height chart http://yalistationery.win.mofcom.gov.cn for the eraserEto pa isang trip namin nung kinder...
Habang nasa canteen ang mga ibang kaklaseng walang baon kasama ng aming titser, kami namang merong mga baon ang nagtatagayan ng pinaghalo-halong inumin namin. Iniikot namin ng kaibigan ko ang isang baso at ang lahat ng klaseng baon na inumin ay nilalagay namin dito. Ang pinaghalo-halong gatas, chocolate, softdrinks, Zesto-O, juice, at iba't iba pa ang siyang pilit naming pinaiinom sa mga kaklase namin.
Mga ilang araw din nangyari iyon... hanggang isang araw natapos ang lahat dahil...
Naaalala n'yo ba yung nausong makulay na pamburang transparent? Yun yung pagtiningnan mo na
nasa likod niya ay araw or ilaw, umiilaw yung gitnang kulay. Dinurog namin yun at nilagay sa basong pinatatagay namin. Nang di na makayanan ng isa naming kaklase, itatapon na niya sa labas. Syempre, sa kinder hindi basta basta nakakalabas ang estudyante na walang paalam sa titser. Dito na nalaman ng aming titser ang operasyon namin. TODAS NA NAMAN!
Aminado ako na bully ako sa school. Pag nakita mong tumatakbo na kaklase namin siguradong ako na ang kasunod nun at bubugbugin ko na sila. Pero ngayon ako na siguro bubugbugin nila kasi ang lalaki na kasi ng katawan nila samantalang ako'y naiwan payatot pa rin.
Saturday, November 29, 2008
Hinde-n Desire!!!
Lashing! Lashing! Lashing! Marami talaga nagyayari paglashing ka na. (hik!)
Minsan isang gabi, merong magkaibigan na nag-iinuman. Di pa naman ganun karami ang naiinom nila pero ewan ko kung anong dumapo sa isip nila at naging ganun na lang ang napag-tripan nila... ang maka-iskor! Alam nyo na ibig kong sabihin nun!
Sa gitna na kanilang inuman, lumabas sila sa kanto at nagbakasakaling makita ang bebot na mapainom lang ay pwede na. At sinuswerte nga naman ang dalawa, nandun nga si bebot!
Wag na nating patagalin ang istorya! So, yun na nga nayaya nila etong bebot sa hapag-inuman. At maya-maya lang ay tinamaan na nga ang tadhana. Pero dahil isa lang ang pwedeng dumiskarte, tinanggap na nung isang kaibigan na magiging tagamasid na lang siya.
Nang sumeniyas na ang maswerteng kaibigan, hudyat na kailangan ng patayin ang ilaw, tumayo naman ang isa para sumunod kahit alam niya na siya ay isang tagamasid na lamang.
Pagpatay ng ilaw, ang kaibigan nating tagamasid ay walang makita sapagkat napakadilim habang dinig na dinig niya ang mga milagrong nangyayari. Dahil na rin sa kanyang lakas tama sa alak at matinding daing ng kanyang damdamin... naisipan niyang makisali.
Dahan-dahan siyang lumapit kung saan nagaganap ang lahat. Kinakapa ang daan at ang pader hanggang marating niya ang lugar. Patuloy siyang kumakapa at nagbabakasakaling makasali at maka-iskor din.... at nakihimas na rin.
Nang bigla na lamang..... "Pare, pare...hinta ko yan!"
Ayus! hita pala ng kaibigan niya ang hinihimas niya!

Tuesday, November 25, 2008
Happenings In The Dark
by LIBAG
Year 1980’s...
Uso ang brown-out!
Uso din syempre ang TAGUANG-PONG!!!
Pag nag brown-out labasan na ang lahat at magkikita-kita na sa kanto.
Simulan na ang laro! POMPYANG NA! "Maaleeee...... TAYA!
Ang sarap mag taguang-pong lalo na pag kasama mo ang crash mo mag tago, hehehe!
Pero samin wala ng thrill ang mag taguang pong sa kalsada kaya nakaisip kami ng kakaibang taguangpong.
Sa lugar namin, merong paradahan ng mga truck --- “Evergreen Trucking”. Dun namin naisip mag taguang-pong... walang babaan sa truck. Ang bumaba siya ang TAYA! Kaya mas merong thrill. Kaya pag-uwi mo rin, puno ng grasa ang aming katawan paano ba naman sa sulok ng makina o gulong nagtatago or sa ilalim ng kaha ng truck. Di ko na nga lang alam paano kami nakakapunta dun na hindi bumababa sa truck. Peksman! Di sumasayad ang mga paa namin sa lupa. Ang saya talaga nun lalo na nung nahulog ako sa truck di ko makakalimutan yun kasi ung peklat sa ulo ko nandun pa rin. Putok ulo ko nun eh. Hehehe!
At di pa dun natatapos ang trip namin.
Pag katapos ng taguang-pong, habulang hubo naman. Ang matalo uutusan! Hehehe! Next time ko nalang kwento kung ano inuutos….

Swimming sa Lungsod
written by LIBAG
Simplelang ang buhay namin nuon. Tulad ng ibang bata na mahilig sa laro.
Naaalala ko pa nung nanghuhuli kami ng isda gamit ang pamalengkeng basket at walis tambo pang bugaw sa mga isda. Kaya naman pag-uwi siguradong sermon sa mga magulang. Ang kaibahan lang eh di kami sa ilog nang huhuli kundi sa kanal sa kabilang iskinita.
Tuwang tuwa kami pag nakakahuli kami ng isdang maraming kulay na kung tawagin ay "rainbow", lalo na kapag naka-tyamba ng gurami at martiniko, marami kasi nito sa kanal dati lalo na pag baha.
Speaking of baha, mas masaya ang lahat pagdumarating na ang tag-ulan. Maliban kasi sa walang pasok inaabangan namin ang pagbaha dahil sabay-sabay kaming maliligo sa ulan at mag su-swimming sa baha.
Pinaka sikat sa 'min ung pag me dumadaang sasakyan... magpapahila kami sa jeep.
"Minsan, nag pahila ako naka inom pako ng tubig baha eh! Yak! Pero ok naman medyo maalat nga lang tapos pag lingon ko sa gilid ko me lumulutang ng dikanais nais… hehehe! You know tae! Wahahaha!"
Lalo pang sumasaya kapag naka kuha kami ng sirang kaha ng refrigerator dahil instant bangka kaagad para sa tropa.
Hay ang sarap balikan at maging bata ulit!.
Simple

Monday, November 24, 2008
Ice... Good for the Heart
I am not really inclined with medical field. All I know is that when you're not feeling well, take "biogesic" and go to sleep. Then hope you'll be better when you wake up. But when it comes to heart problems, ICE will ease the pain.
I learned this from a friend. He sometimes suffer from "I dont know really" heart problem. It's not a kind of heart attack but it looks like a sudden chest pain due to fast beating of the heart. I told you I know nothing with this medical terms.
The first time I witnessed this heart-pain-thing (HPT) of my friend was when we were playing Super Mario with his Nintendo family computer. During our game he asked something from his mom (which I cannot recall) then suddenly he burst in anger ... then later HPT comes. All of us tried to calm him until his auntie put ice on his chest....
as he said (while catching his breath), "!^%@#$!#%^^&!!!!! YYYYEEEEEEHHHHLLLLOOOOWWWW!!!!"
Here's another story:
Bakasyon nuon...
Ang mga estudyanteng taga-probinsiya na nag-aaral sa Maynila ay nagsisimula nang mag-uwian sa kani-kanilang pamilya.
Minsan habang ang lahat ng tropa ay nasa bahay, tanaw namin sa kabilang bahay ang mga kaibigang babae nag-aayos ng kanilang mga gamit para sa kanilang biyahe pauwi ng probinsiya.
"Tol, pauwi na sila... okay ka lang ba?", tanong ng isa naming kaibigan sa isa pang kaibigan na merong lihim na pagtingin sa isa sa mga babaeng ngayon ay nakatakda ng umuwi.
"Wag kang makulit, okay lang ako!", sagot ng isa.
"Sure ka? bakit namumugto ang mga mata mo?", patuloy na pang-aasar ng isa pang kaibigan.
"Tumigil nga kayo!", sagot muli ni kaibigang may HPT na ngayon ay medyo iritado na.
"Chong! eto na lumalabas na sa gate nila", wika pa ng isa pang malakas mang-asar.
"OO nga! hoy okay ka lang ba?", tuloy-tuloy ang pangangantiyaw ng lahat.
Hindi na niya makayanan ang pang-aasar, tumakbo siya sa hagdanan at duon umupo.
Sinundan siya ng lahat para asarin at pag-tripan pa. Nung makita namin siya....
"!^%@#$!#%^^&!!!!! YYYYEEEEEEHHHHLLLLOOOOWWWW!!!!"
Yun na nga, nag-panic na ang lahat nang matagpuan siyang naninigas sa asar...
inabutan siya ng yelo na nasa face towel ...
tumahik ang lahat...
Nung naging ok na ulit siya....
balik ulit sa asaran....
hindi na dahil sa mga babaeng uuwi...
kundi sa...
YYYYYYEEEEEEHHHHHHHLLLLLLLOWWWWW!!!!! (with naninigas acting pa!)

Sunday, November 23, 2008
Old House Studio
Our house is almost half a century old.
Yung room namin ng kuya ko before namin ayusin at gawing tulugan ay dating tambakan. Isang 25watts bulb ang nagbibigay ng ilaw. Maraming tira tirang piraso ng kahoy na nakakalat.
Sa gitna ng mga kalat at agiw sa paligid, minabuti namin dito ilagay ang mga gamit namin sa tugtugan. Isang lumang karaoke at isang set na kinakawalang na pulang fernando drums. Nakahiram din pala kami ng isa pang bass drum na kulay puti mula sa isang kaibigan kaya naman meron kaming "double bass" na nagpalupit sa aming gamit.
Wala kaming pakialam kung gaano kalakas ang tugtugan basta maingay solb na kami. Basta sumunod lang sa oras na binigay ni Daddy para wag makagambala sa mga kapitbahay. Eh, ganun pa rin.. nagrereklamo pa rin sila...
Eto nga pala yung isa sa pilit naming tugtugin.....
WOLVERINE BLUES
By Entombed

Saturday, November 22, 2008
Bringing Back the Metal Days
Eh mahilig din kami sa tugtugan.
I can't recall the year but I know its fiesta.
The rain just stopped and our plans were all messed up. Its all because of this rain that we need to change our plan in setting up a gig on our street. Eh basa na what to do?
Syempre bad trip na...
So after several hours of drinking without any loud music, one of us decided to push through with the plans... SIGE NA! I-SET UP NA NATIN! !$#*&$!*#!!!!
Eh nagpilit... kahit mag-isa't lasing kinuha pa rin niya lahat ng gamit.... those big speakers, amplifiers, drum set, etc.
Habang naghahakot, meron isang kapitbahay na nakakita. Etong kapitbahay na ito ay galit sa maingay... so di pa naayos yung mga gamit nag rereklamo na agad...
'BAD TRIP! PUNTA SIYA SA BUNDOK! DUN WALANG INGAY!'.....
and here's the famous line.... 'DI NIYA TAYO NAIINTINDIHAN.. MUSIKERO TAYO!... DI NIYA TAYO NAIINTINDIHAN!' (sniff!)
One of our favorite piece to cover...
Slave New World
by Sepultura

S & V Chant!
Most superheroes have their rituals or ceremonies turning from ordinary individuals to extraordinary human being. Like Batman, he always go "to the Bat Cave", or Superman tearing his shirt apart... Scromites and Vermites also have their own style.
Scromites!
Vermites!
Anak ng termites!
Umbawe! Umbawe!
Alak! Alak! Alak!
Imagine this:
everyone is sober...
empty bottles lying around...
at the corner of two intersecting small streets...
around 2 am...
we were singing (or shouting perhaps...)
Scromites!
Vermites!
Anak ng termites!
Umbawe! Umbawe!
Alak! Alak! Alak!
then the neighborhood ...
comes the tanods...
with Chairman!
Todas! Tago na tayo!
I don't know what makes this song so powerful that we are all laughing and crazy. Or maybe too much liquor...

Thursday, November 20, 2008
About Scromites and Vermites
Ang pangalan na Scromites at Vermites ay nagmula sa aking kaibigan. Ito ang madalas niyang binabanggit na mga characters pag kami ay nag-iinuman. Di ko alam kung saan niya nakuha ang mga pangalan na ito pero kung pag-usapan namin si Scromites at Vermites akala mo ay parang mga tunay na katauhan. Siguro marahil kami ay masayahin lang sa aming mga creative thinkings or sobrang lasing lang kami.
Sometime during college we made a 10-minute animation using slide presentation for a school project. It was the time that Scromites and Vermites had their real identity. I played the voice of Vermites.
Kahit ano pa man ang dahilan, si Scromites at Vermites ay tanda ng masayang alaala ng aking kabataan. I believe those very years had made me what I am now.
Adventures of Scromites and Vermites is a collection of what was before... and a continuation of it through writing.

Subscribe to:
Posts (Atom)