Saturday, December 20, 2008
A Tribute To Kuya Boy Labo
The leader of the band is tired
And his eyes are growing old
But his blood runs through my instrument
And his song is in my soul
This post is dedicated to Kuya Boy Nuqui. Please dont get me wrong.... di pa po sya patay!
Sa pagkakataong ito, nais naming magbigay pugay sa taong naging inspirasyon namin sa pagmamahal sa musika.
Si KUYA BOY NUQUI aka Boy Labo ay kilala sa Gagalangin, Tundo bilang magaling, mahusay, mabangis, malufet ngunit masungit na instruktor ng musika.
Sa aking pagkaka-alam, meron siyang banda dati.. original buhay musikero! Kung saan-saan na siya nakarating dahil sa kanyang hilig sa tugtugan. At hindi lang yun, nakilala rin siya sa pagtuturo ng choir sa parokya ng St. Joseph Gagalangin.
Bago ko pa siya makilala, naririnig ko na ang kanyang pangalan. Merong halong takot sa tuwing nababanggit ang kanyang pangalan sa organisasyong aking tinutugtugan.
"Ayusin niyo tugtog niyo! Pagdating ni Kuya Boy todas kayo!", babala ng isang brod.
"Naku, namamahiya kaya yun! Kung ako nga napa-iyak nun minsan sa praktis", dagdag naman ng isa.
Siguro masasabi ko na dahil sa kanyang pagiging istrikto kaya siya nababansagang namamahiya ng tao. Siguro... style niya lang yun.
Simula ng makilala ko si Kuya Boy, naging iba na ang pagkakilala ko sa kanya. Dugong musikero talaga! LAKAS DIN NG TAMA!
Welcome Kuya Boy Labo dito sa istorya ng buhay namin. Mahal ka namin!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
May the perpetual light shin upon him ang sana humaba pa buhay nya para marami pasyang matulungan…. Hehehehe! God Bless!
ReplyDeleteAmen! hahahaha...
ReplyDeleteoo nga... para marami pa siyang matagayan!
Hala kuya boy! gitara pa!
BOYs not dead he is alive i can feel it all over me!... 2 d tune of (gods not dead he is alive)... love u kuya boy fukui! ay este nuqui pla..
ReplyDeleteika nga ni kuya boy pag kmi ay nagiinuman!
ReplyDeletemga tarantado mauuna kyo sakin! mentras minamadali nyo kong mamatay lalo mauudlot!
mahal k nmin kuya boy!.. IKAW pa!...
ano gus2 mo isuot, barong o amerkana?..
wahahahaha joke!...
hahaha! malamang nanginginig pa yun habang sinasabi yun jepoy!
ReplyDeletesalamat sa pagbisita jepoy!