Maraming pinoy ang naniniwala sa HULA!
Hindi lang ito pang-probinsiya ngunit maging sa progresibong lungsod tulad ng Maynila. Sa katunayan nga sa labas ng simbahan ng Quiapo na nasa puso ng lungsod ng Maynila matatagpuan ang sari-saring paraan ng panghuhula. Merong gumagamit ng tarot cards, meron namang ordinaryong baraha lang. Merong gumagamit ng tubig (paggumalaw yung tubig me-bad spirit), at meron namang gumagamit ng chess board (oo! mahuhulaan mo kung sino matatalo dito!). Mas mabisa daw ang hula kung pupunta ka sa araw ng (hindi ko na matandaan). Eh, sasabayan mo pa raw ng nobena! Kaya daw sila nakapwesto sa labas ng simbahan. Ayos di ba?
Maraming topic ang pwedeng itanong sa manghuhula. Nandyan na yung madalas na tanong sa pag-ibig ("Mahal na ba niya ako?"), o tanong ng isang nagdududa ("Sabihin mo nga sa akin kung meron ng ibang mahal si Maximo ko???").
Pero etong kaibigan kong ito, merong ibang experience sa panghuhula.
Naaalala niyo yung friend ko yung humihingi ng yelo? (See my previous post Ice...Good for the Heart. Kwento niya ulit ito!
Isang gabi, habang kami naglalaro ng baraha, lumapit itong kaibigan naming gurl. Siya yung lihim na pag-ibig ni Yelo-boy.
"Marunong ako manghula", wika nitong gurl.
"Talaga???", tanong naman namin.
"Oo, gusto niyo hulaan ko kayo?", ang pa-bidang banat ni gurlalu.
"Sige, ako una!", ang excited na sagot naman ni Yelo-boy. Ang totoo nito, nais lang ni Yelo-boy makaniig ang lihim niyang iniibig na dalaga.
Binalasa... kinat... balasa ulit... hinipan!
"Ah... in-love ka!", ang pasigaw na sambit ng dalaga pagkatapos tingnan ang mga alas at hari. Bigla namang namutla itong si binata!
"Nakakahalata na kaya siya?", ang tanong niya sa kanyang isipan (oo noh narinig ko!).
"at hindi mo pinapaalam sa kanya na mahal mo siya..." ang dugtong na wika ni gurlash pagkalabas ni queen of diamond.
"Todas alam na ata!!!", bulong ulit ni binata.
"PERO!...", pasigaw na banggit ni dalaga. "Friends lang turing niya sa'yo!", dagdag pa ni gurl.
Ayun... di pa nga nakakapagtapat ng pag-ibig... basted na! Dinaan sa hula eh.
Akala ko nga hihingi ng yelo ulit etong tropa kong ito!
No comments:
Post a Comment