Simple
Naaalala ko pa nung nanghuhuli kami ng isda gamit ang pamalengkeng basket at walis tambo pang bugaw sa mga isda. Kaya naman pag-uwi siguradong sermon sa mga magulang. Ang kaibahan lang eh di kami sa ilog nang huhuli kundi sa kanal sa kabilang iskinita.
Tuwang tuwa kami pag nakakahuli kami ng isdang maraming kulay na kung tawagin ay "rainbow", lalo na kapag naka-tyamba ng gurami at martiniko, marami kasi nito sa kanal dati lalo na pag baha.
Speaking of baha, mas masaya ang lahat pagdumarating na ang tag-ulan. Maliban kasi sa walang pasok inaabangan namin ang pagbaha dahil sabay-sabay kaming maliligo sa ulan at mag su-swimming sa baha.
Pinaka sikat sa 'min ung pag me dumadaang sasakyan... magpapahila kami sa jeep.
"Minsan, nag pahila ako naka inom pako ng tubig baha eh! Yak! Pero ok naman medyo maalat nga lang tapos pag lingon ko sa gilid ko me lumulutang ng dikanais nais… hehehe! You know tae! Wahahaha!"
Lalo pang sumasaya kapag naka kuha kami ng sirang kaha ng refrigerator dahil instant bangka kaagad para sa tropa.
Hay ang sarap balikan at maging bata ulit!.
No comments:
Post a Comment