Sunday, November 30, 2008

KINDERGARTEN

by LIBAG
some notes from GUZ


Halos lahat ng barkada merong mga anak na. Pati ako meron na ring kinder na excited pagpasok sa school.

Naaalala ko tuloy nung ako rin ay papasok sa unang araw ko sa school, bago lahat ng aming mga gamit. Bagong uniform, bagong sapatos, at mga bagong libro na amoy galing pa sa imprentahan.

Hay! Bumalik tuloy sa alaala ko ung ginawa namin ng kaibigan ko...



First day pa lang ng klase nun di na kami pinauwi ng teacher namin dahil sa nasira namin yung sukatan ng height na nakadikit sa pader. Pinauuwi ba naman sa 'min at kailangang bayaran daw. Naputol kasi namin yung kamay ng tao dun sa height chart. Eh ganun kalikot ung kaibigan kong yun! Unang araw pa lang iskul bukol na agad kami.





Eto pa isang trip namin nung kinder...

Habang nasa canteen ang mga ibang kaklaseng walang baon kasama ng aming titser, kami namang merong mga baon ang nagtatagayan ng pinaghalo-halong inumin namin. Iniikot namin ng kaibigan ko ang isang baso at ang lahat ng klaseng baon na inumin ay nilalagay namin dito. Ang pinaghalo-halong gatas, chocolate, softdrinks, Zesto-O, juice, at iba't iba pa ang siyang pilit naming pinaiinom sa mga kaklase namin.

Mga ilang araw din nangyari iyon... han
ggang isang araw natapos ang lahat dahil...

Naaalala n'yo ba yung nausong makulay na pamburang transparent? Yun yung pagtiningnan mo na
nasa likod niya a
y araw or ilaw, umiilaw yung gitnang kulay. Dinurog namin yun at nilagay sa basong pinatatagay namin. Nang di na makayanan ng isa naming kaklase, itatapon na niya sa labas. Syempre, sa kinder hindi basta basta nakakalabas ang estudyante na walang paalam sa titser. Dito na nalaman ng aming titser ang operasyon namin. TODAS NA NAMAN!




Aminado ako na bully ako sa school. Pag nakita mong tumatakbo na kaklase namin siguradong ako na ang kasunod nun at bubugbugin ko na sila. Pero ngayon ako na siguro bubugbugin nila kasi ang lalaki na kasi ng katawan nila samantalang ako'y naiwan payatot pa rin.


images courtesy of: http://www.gailind.com for the height chart http://yalistationery.win.mofcom.gov.cn for the eraser

No comments:

Post a Comment