Isang magandang paraan para malaman mo kung saan nanggaling ang mga bakasyonista ay sa pamamagitan ng mga kahon na kanilang dala-dala. Sa pamamaraang ito, nalalaman ng mga kababayan natin kung anong klase (at magkano) ang serbisyo kanilang maibibigay.
Eto ang mga halimbawa:
Type 1: KAHON NI KERNING - BALIKBAYAN BOX
Eto yung malalaki at makakapal na kahon na meron pang naka-imprentang "BALIKBAYAN BOX". Kayang maglagay hanggang 70kilos! Kadalasang nanggagaling itong mga kahon na ito sa USofA. Pagbinuksan mo amoy amerika talaga!!! At ang laman ay tsokolate, hollister t-shirts, nike, at kung anu-ano pa! Sealed ito ng grey-heavy duty na packaging tape.
TYPE 2: KAHON NI GUZ - OFW BOX
Kahon na medyo makapal at halos pumutok na sa sobrang siksik. Katamtaman ang laki na kasya ang bagahe na 32 kilos. Balot na balot sa brown na packaging tape. Kadalasang laman ay Dubai na t-shirt, set ng kutsilyo mula sa IKEA, dates biscuit, sabon at shampoo na merong arabic na sulat at kung anu-ano pa. Pagbinuksan mo ay amoy shampoo na natapon dahil sa kasisiksik.
TYPE 3: KAHON NI KONSEHAL BINOY - PROBINSYANO BOX
Kahon na may sapat na kapal. Madaling makilala etong mga kahon na ganito dahil sa kanyang mga imprenta tulad ng mga biskwit, sabon, sigarilyo, o anu mang tsitsirya. Kahit na anong tape pwedeng gamitin para maselyuhan eto. Kadalasan ang laman ng mga ganitong kahon ay mangga, papaya, at kung anu-ano pang prutas at gulay. Pero sa pagkakataong ito, ang laman ng ating probinsyano box ay mga parapernalia sa eleksyon tulad ng mga t-shirt at pamaypay na pinamimigay ni konsehal at mga souvenir items tulad ng mga keychain at bag.
Nagtatakang nagtanong ni Kerning "Guz, ilan yung tumulong sa inyo sa airport?".
"Dalawang porter kasi malaking trolley yung gamit namin. Bakit?", ang sagot naman ni Guz sa kanya.
"Eh kasi sa amin iba yung tumulong kumuha ng bagahe mula sa conveyor, paglampas ng custom iba na naman yung tumulong, tapos nung nilalagay na namin sa sasakyan yung mga bagahe ay iba na naman yung tumulong. Pambihira iba iba pa yung bayad sa kanila!", ang paliwanag ni Kerning.
"Eh Kerning, ang tawag kasi sa inyo - BALIKBAYAN. Kami ang tawag sa amin - OFW. Alam nila kung sino yung mas malaki magbigay - dahil sa kahon", sagot ni Guz.
No comments:
Post a Comment