Monday, December 29, 2008

Dinaan Sa Hula

Maraming pinoy ang naniniwala sa HULA!

Hindi lang ito pang-probinsiya ngunit maging sa progresibong lungsod tulad ng Maynila. Sa katunayan nga sa labas ng simbahan ng Quiapo na nasa puso ng lungsod ng Maynila matatagpuan ang sari-saring paraan ng panghuhula. Merong gumagamit ng tarot cards, meron namang ordinaryong baraha lang. Merong gumagamit ng tubig (paggumalaw yung tubig me-bad spirit), at meron namang gumagamit ng chess board (oo! mahuhulaan mo kung sino matatalo dito!). Mas mabisa daw ang hula kung pupunta ka sa araw ng (hindi ko na matandaan). Eh, sasabayan mo pa raw ng nobena! Kaya daw sila nakapwesto sa labas ng simbahan. Ayos di ba?

Maraming topic ang pwedeng itanong sa manghuhula. Nandyan na yung madalas na tanong sa pag-ibig ("Mahal na ba niya ako?"), o tanong ng isang nagdududa ("Sabihin mo nga sa akin kung meron ng ibang mahal si Maximo ko???").

Pero etong kaibigan kong ito, merong ibang experience sa panghuhula.

Naaalala niyo yung friend ko yung humihingi ng yelo? (See my previous post Ice...Good for the Heart. Kwento niya ulit ito!

Isang gabi, habang kami naglalaro ng baraha, lumapit itong kaibigan naming gurl. Siya yung lihim na pag-ibig ni Yelo-boy.

"Marunong ako manghula", wika nitong gurl.

"Talaga???", tanong naman namin.

"Oo, gusto niyo hulaan ko kayo?", ang pa-bidang banat ni gurlalu.

"Sige, ako una!", ang excited na sagot naman ni Yelo-boy. Ang totoo nito, nais lang ni Yelo-boy makaniig ang lihim niyang iniibig na dalaga.

Binalasa... kinat... balasa ulit... hinipan!

"Ah... in-love ka!", ang pasigaw na sambit ng dalaga pagkatapos tingnan ang mga alas at hari. Bigla namang namutla itong si binata!

"Nakakahalata na kaya siya?", ang tanong niya sa kanyang isipan (oo noh narinig ko!).

"at hindi mo pinapaalam sa kanya na mahal mo siya..." ang dugtong na wika ni gurlash pagkalabas ni queen of diamond.

"Todas alam na ata!!!", bulong ulit ni binata.

"PERO!...", pasigaw na banggit ni dalaga. "Friends lang turing niya sa'yo!", dagdag pa ni gurl.

Ayun... di pa nga nakakapagtapat ng pag-ibig... basted na! Dinaan sa hula eh.

Akala ko nga hihingi ng yelo ulit etong tropa kong ito!


How To Make Fun With Your GI Joe Action Figures


Can you still remember these amazing GI Joe Action Figures???

I don't have the luxury to have this kind of toy. Thundercats kasi ang collection ng mga kuya ko. Syempre bunso kaya kung ano yung laruan nila, ganun na lang din ang laruan ko. But since I had some generous friends, yung mga napagsasawaan nila binibigay na lang nila sa akin, if not na-uto ko lang sila.

If you are familiar with this toy, you might probably remember how you can move the elbows, knees, and head of this action figure. And the rubber connecting the hips and body. Sometimes we twist it like winding a key of a walking doll. Tapos bibitawan mo... tingnan mo paikot ikot yung katawan niya. Pero wag masyadong ipihit kasi baka maputol yung goma! And be careful also yung part na tinatawag naming brief (between the legs), kasi madaling maputol.

We usually trade its accessories... backpacks, ammunitions, pet dogs (yung iba kasi merong alagang aso), and others. Sa ganung edad pa lang, we were already exposed with business trading with one rule to follow: KUNG SINO MAS MAGALING MANG-UTO PANALO! I'll give you some samples:

one .45 pistol = helicopter ni Airborne
one backpack ni Alpine = Blowtorch (with complete accessories)

di ba parehas?


As option, hindi lang GI Joe to GI Joe lang ang palitan! Kung mas magaling ka talaga sa trade mas maraming pwedeng mapapalit:

Sample:
Bazooka (with complete accessories) = Two He-Man action figure

Just make sure before you make a trade that you tighten all the screws of your action figure. Para magmukhang bago pa!

There were many ways how we played this toy kung bored na kayo sa simpleng laro lang na ikaw ang laging bida:
1. Camp to camp defense (with sand fortress) - during those times, maraming nagpapaayos ng bahay sa amin. From wood to bricks. So, maraming buhangin during construction. Sa tambakan ng buhangin kami gumagawa ng mga kampo ng GI Joe. Kawawa ka nga pag napag tripan ilibing ang GI Joe mo at hindi mo na makita. Sa ganitong pagkakataon nadadagdagan ang laruan mo.

2. Blow Up Your GI Joe - para makatotohanan ang action, pinapasabugan namin ng triangulo ang mga GI Joe namin. Tumatalsik talaga yung laruan mo na parang totoong nasabugan. Minsan paliliparin yung eroplano tapos sasabog sa ere... parang totoo talaga! Pati yung laruan mo sabog na rin. Just make sure eto yung least sa favorite mo (or yung laruan ng kaibigan mo na lang at wag yung sayo).

3. Jazz-up Your GI Joe - minsan pinagpapalit namin ng mga damit. Madali lang naman gawin. Basta meron kang screw driver maluluwagan mo yung mga turnilyo tapos ipagpalimot mo na yung mga katawan ng GI Joe.

4. Alternative Jazz-Up Your GI Joe - eto hindi ko alam kung mag-eenjoy kayo. Si Libag at ang kanyang pinsan na si Japot lang ang alam kung gumawa nito... please dont read kung hindi kaya ng sikmura niyo... gumawa kasi sila ng damit ng GI Joe mula sa balat ng daga... YES! rat! yung itim ha! Binalatan nila yung daga at sinuot sa laruan. Ang cute nga ni Destro meron pang hood.

Yun lang muna. Marami pa akong idadagdag na mga laruan namin nuon. Next time ulit!

Wednesday, December 24, 2008

Multiply site - pwede pala!

Subukan ko lang kung makikita rin ito sa multiply site ko.
Pwede daw kasi cross-chuva... nakalimutan ko yung tawag... basta!!!
Pag nag post ito sa multiply ko ibig sabihin pwede!

Tingnan niyo na lang Mga Kwento ni Vermites.

Maligayang Pasko

Masaya na naman ang Pasko niyo!!!! Syempre dito rin.

Kahit nasaan ka naman ata masaya ang pasko... basta masaya ka. Pero kung malungkot ka, eh hindi. Lakas pala ng tama mo eh!

Anyway, bumabalik ang mga alaala ko ng kabataan tuwing ganitong pasko. Karoling, simbang gabi, lugaw na merong laman, ibat ibang kakanin, ibat ibang putahe, ibat ibang pa-cute, pormahan, diskarte!, tugtugan, at marami pang iba.

Sa LAHAT ng mag-iinuman dyan sa iskinita paalala lang: Iligpit ang pinag-inuman at magbayad ng utang ... luge na ang tindahan ni Ate Rose. HAPPY THOUGHTS lagi at walang away!

MERRY CHRISTMAS po!!!!

Saturday, December 20, 2008

A Tribute To Kuya Boy Labo



The leader of the band is tired
And his eyes are growing old
But his blood runs through my instrument
And his song is in my soul

This post is dedicated to Kuya
Boy Nuqui. Please dont get me wrong.... di pa po sya patay!

Sa pagkakataong ito, nais naming magbigay pugay sa taong naging inspirasyon namin sa pagmamahal sa musika.

Si KUYA BOY NUQUI aka Boy Labo ay kilala sa Gagalangin, Tundo bilang magaling, mahusay, mabangis, malufet ngunit masungit na instruktor ng musika.

Sa aking pagkaka-alam, meron siyang banda dati.. original buhay musikero! Kung saan-saan na siya nakarating dahil sa kanyang hilig sa tugtugan. At hindi lang yun, nakilala rin siya sa pagtuturo ng choir sa parokya ng St. Joseph Gagalangin.

Bago ko pa siya makilala, naririnig ko na ang kanyang pangalan. Merong halong takot sa tuwing nababanggit ang kanyang pangalan sa organisasyong aking tinutugtugan.

"Ayusin niyo tugtog niyo! Pagdating ni Kuya Boy todas kayo!", babala ng isang brod.

"Naku, namamahiya kaya yun! Kung ako nga napa-iyak nun minsan sa praktis", dagdag naman ng isa.

Siguro masasabi ko na dahil sa kanyang pagiging istrikto kaya siya nababansagang namamahiya ng tao. Siguro... style niya lang yun.

Simula ng makilala ko si Kuya Boy, naging iba na ang pagkakilala ko sa kanya. Dugong musikero talaga! LAKAS DIN NG TAMA!

Welcome Kuya Boy Labo dito sa istorya ng buhay namin. Mahal ka namin!

Wednesday, December 17, 2008

Operation Doorbell

Sa kalye Dalaga, halos lahat ng bahay dun merong doorbell. Sari't saring tunog ang maririnig mo. Merong "DING-DONG", "KRING-KRING", "TING-TING", "PING-PING", at ibat'ibang inuulit na tunog. Meron din namang mga kakaibang tunog tulad ng "OONGGGG", "RIIIIIIIINNGGGG!!!!!!", at marami pang ibang napakasakit sa tenga na akala mo merong sunog!

Isa sa mga nakakatuwang trip (at nakaka-irita naman sa iba) namin ay ang Operation Doorbell!

Simula sa kalye Cavite hanggang Antipolo, lahat ng doorbell na madadaanan namin ay pipindutin namin...

DING-DONG!!! (takbo)
KRING-KRING!!! (takbo)
TING-TING!!! (takbo... minsan merong nadadapa!)
PING-PING!!! (takbo ulit)
OONGGGG!!! (takbo pa rin)
RIIIIIIIINNGGGG!!! (takbo ng takbo bilis)

At dun sa huling bahay, merong kakaibang doorbell... actually hindi siya doorbell.... maingay na tahol ng aso! Walang pipindutin kaya kinakalabog na lang namin ang mataas na gate nila.

"DUG! DUG! DUG!", ang kalampag namin sa pulang gate.

"AWW! AWW! AWWW! RRRRRR!!!!! AWW! AWWW! AWW!!!" sigaw ng malaking aso.

Takbuhan kami.. hanggang sa kanto ng Antipolo.

Matatanaw namin na lang na ang lahat ng kapitbahay ay nasa labas...
merong akala meron silang bisita,
meron namang naiinis at napag-tripan na naman sila...

Sa ganitong pagkakataon, nagkikita-kita ang magkakapitbahay... nagkakaisa... na iinis...
BWISET!

P.S.
Plinano na rin namin minsan lasunin yung aso kaso di tumalab...
hehehehehehe...

Tuesday, December 16, 2008

Mga Amazona

Birthday noon ni Libag.

Maraming bisita,
maraming pulutan,
maraming inumin.

Merong mga bagong kakilala at meron din namang dun lang din nakilala. Sa katunayan, meron nga mga ronda-pwersang bisita. Yung mga tipong "you're my honey only in this inuman ha!" babes. Di ko na babangitin kung kanino sila nakakandong magdamag. Basta merong ganun. Magaganda ba kamo? Sabi nga ni Daddy, bihisan lang ang poste ng pangbabae papatusin na raw ng barkada pag lasing. Eh, lasing... what to do?

So yun nga ulit! Talagang dinadayo kapag birthday ni Libag.

Madaling araw na nung umuwi yung ibang bisita. Nagprisinta na lang yung iba maghatid sa sakayan kasi di alam nung mga bisita kung saan mas madaling sumakay sa ganung oras.

Habang tuloy ang kantahan, kwentuhan... biglang dumating ang mga kaninang nagpaalam na mga bisita at mga naghatid na akala mo'y merong humahabol.

"Mga tsong napag-tripan kami", sabi nga isa.

"Si Tenga pinuntarya!", dagdag pa ng isa.

Nagmamadaling nagtayuan ang lahat ng bisita at lumusob nagbabakasakaling nandun pa yung mga nag-trip sa tropa.

Naging bad trip na ang mga sumunod na eksena... yun yung pinaka bad trip na birthday celebration ni LIBAG! Pero alam nyo tuwing naalala namin yun at napag kukwentuhan ... meron pa ring eksena na napapatawa kami.

Naaalala niyo yung mga ronda-pwersa na naka-kandong kina _________ ?
Nung nagkalusuban at nagkaduruan na with the enemies... etong mga ronda-pwersang ito ang nasa frontline...

Naka tapak!
Merong mga hawak hawak na malalaking bato!
At matunog na matunog magmura ng ganito.... !@^%!$@#^%$#@*^!@*&$!!!!!!!!

Sa buong eksena ata ng away... sila yung inaawat namin...
Mga amazona talaga! Wa' poise!

Bale yun na yung last namin sila nakita... matotodas pala kami sa tapang ng mga yun!

Sunday, December 14, 2008

When Fun Hits Its Limit

Sa sobrang saya ng barkada marami kami lalong nakikilala. Kapag ang isang bisita natuwa sa nakaraang inuman, sigurado magsasama pa ng iba pang kakilala niya.

Kapag maraming barkada, tumataas din ang requirements:

A. Mas malaki ang kailangan na lamesa

Iba kasi pag nasa isang lamesa lang kayo. Organized tingnan at centralized ang usapan. Pag merong mga bagong kaibigan lalo mo nakikilala pagmagkakaharap kayo. Ang tendency kasi pag walang malaking lamesa, ang mga bago ma-Out-of-Place or kung marami sila, sila sila na lang mag uusap.. kami naman ang OP!

B. Mas maraming inumin ang kailangan

Syempre kapag maraming iinom mas maraming inumin ang kailangan. Minsan nga sa sobrang dami ng tumatagay, dalawa hanggang tatlong baso na ang pinaiikot. Sa ganitong sitwasyon, yung isang baso counter-clockwise na ang ikot. Swerte mo kapag yung dalawang baso nagtapat sa'yo. Dalawa rin ang tagay mo!

Teka... nagiging tips na itong blog na ito on how to organize a big inuman! Next time na lang yun. Balik tayo sa subject.

Yun nga!

Mahirap talaga i-organize ang inuman lalo na kung merong mga bagong salta ... or dayo ... or tourist ...or visitor ... basta merong bago! Mapapansin mo kasi iba yung trip niya kapag nalalasing. Merong magulo, merong hanap away, merong iyakin, merong mababaw ang kaligayahan, meron naman hanap ka-addikan.... bad trip nga eh... ang sasama ng trip! Kami kasi happy thoughts lang lagi...

"Hoy! Madaling araw na magpatulog naman kayo!" sabi ng kabitbahay na galit na galit dahil sa di makatulog sa ingay ng mga nag-iinuman.

"Mga brod... mag na masyadong maingay", nahihiyang banggit ng may-bahay sa kanyang mga bisita.

"Ok bro no problem. Pakiusap mga tsong... konting hina na lang ng gitara", sabi naman ng isa.

TAAAAAK! --- ang tunog ng sinar-gong bilyaran.... patuloy na paglalaro ng mga dayong bisita.

"HOY! ANO BA? DI BA KAYO TITIGIL??? MAGPATULOG NAMAN KAYO!!!!" ang galit na sigaw ulit ng kapitbahay.

"HOY! IKAW ANG MATULOG... KUNG AYAW NAMIN MATULOG WAG MO KAMING PIPILITIN!!!! IKAW NGA ITONG WALANG GINAGAWA PATUTULUGIN MO KAMI!!!!", sagot naman ng naglalarong lasing na dayong bisita.

Nagtawanan ang mga lasing...
Natulala ang kaibigan naming may-bahay...
Natahimik kami sumandali...
Merong sumaway...
Maya - maya pa'y...
Eto na ang baranggay...
TODAS! si Chairman kasama mga tanod...
at kanya kanya na kaming takbuhan....

Wednesday, December 3, 2008

Kwentong Panty

Oh teenage years!

Years of excitement and adventures. Every young boy wants to experience almost everything... to eager to become a grown-up man. And when I say experience.. you know what I mean.

Tuwing Mayo 1, ang buong barkada ay merong outing. Nagsimula sa simpleng outing ng isang pamilyang na sinama kaming buong barkada ng kapamilya nila. Nuong una maghapon lang sa beach at nung mga sumunod na taon naging overnight na.

Kahit na magkakalayo na ang mga tirahan namin nagiging reunion itong outing na ito ... naging tradisyon na nga kung tutuusin.

Sa gabi bago ang araw ng outing, napupuyat ang lahat sa kahihintay makumpleto ang buong barkada. Isa isang dumarating mula sa iba't ibang lugar.

"Ayun na si Watu!", ang pasigaw na pagsalubong ng isa.

Sa bawat barkadang dumarating, mahabang kwentuhan at kantiyawan ang katapat. Walang tigil sa kamustahan.

"Hulaan niyo ano itong nasa bag ko", tanong ng bagong dating. Nang walang makahula, nilabas niya ang isang makulay na panty.

"Mga tsong, binyagan na ito!", payabang na pananalita nito habang winawagay-way ang makulay na panty tanda na nakakuha pa siya ng souvenir.

"Osss..... talaga? ... yabang nito..", ang medyong alinlangan na tugon namin. Di makapaniwala ang lahat sapagkat kilalang torpe at sablay sa diskarte ang nagyayabang.

Anyway, hinayaan na namin siya magyabang.

Kinabukasan, natuloy ang outing. Masaya... paminsan minsan nasasali pa rin ang pagyayabang sa kwento ng panty.

Lumipas ang isang taon, Mayo 1 na naman. Ganun ulit.... overnight outing... lasing... lasing... lashing..... lasssshinggggg......

Sa kalasingan.... merong umamin....

"Mga pre.... hindi naman sa akin yung panty na pinakikita ko last year....
Sa Tito ko yun.... siya yung nakaiskor....
Siya yung kumuha ng panty... para souvenir....
tapos... hinarbor ko na lang...."

Natigil ang lahat sa narinig na rebelasyon.... at sabay sabay na nagtawanan...
Makapagyabang lang kailangan pang manghingi ng panty....

Kaya simula nuon, tuwing merong bagong kwento itong kaibigan naming ito... ang tanong namin ay ....

"P''RE BAKA KWENTONG PANTY NA NAMAN YAN!!! "

Monday, December 1, 2008

First Time Rock Star

by LIBAG
some notes from GUZ

Talagang mahilig kami sa tugtugan kaya lahat ng mabalitaan namin na tugtugan sinasalihan namin. Mapa-fiesta, birthday, or battle of the band sasali kami. Ilang kasal na rin kaya ang nasira ang "sweet-loving atmosphere" dahil sa ingay namin. Pati lamay sa patay nag-guigitara rin kami.

Di naman kami ganun kagaling. Basta gusto lang naming tumugtog at nangangarap na sumikat kaya nga lahat ng tugtugan sali kami.

One time, sumalang kami sa isang battle of the band. FIRST TIME ITO! Talagang ang gagaling ng mga kalaban namin. Palibhasa bagito lahat kami eh kaya
parang merong dagang nagtatakbuhan sa dibdib. Naka dalawang kaha yata ako ng yosi nun.

At eto na! Kami na ang sasalang. Wala pa rin akong gagamiting guitara (nanghihiram lang kasi kami). Buti na lang nakakita kami ng kakilala at pinahiram ako ng gitara.

Nag simula na ang unang kanta... at ayos! galing! puro sabet at ingay na nagmumula sa ampli ang ginawa namin. Kung titingnan mo ang mga tao akala mo ba'y nasira ang araw nila.

At sa wakas huling kanta't ingay na. Nag senyasan na kami ng isang gitarista hudyat ng malapit ng matapos ang kanta....

at....
tumigil na kami...
pero meron pa ring tumutugtog....
yung drummer pala namin
tuloy pa rin sa pag-da-drums....
"one, two... one, two... one, two....", ang pabulong pa rin na pagbibilang niya...
sa sobrang kaba... hindi niya namalayan na tapos na pala yung tugtog namin...

"pare... tapos na tayo!"


... sabay kamot na lang ng ulo...

... bumaba kami na nakayuko ang ulo't namumutla...

... at sa bahay na lang kami nagkantyawan.... ang saya!