Sunday, June 23, 2019

Rotonda Park





Plaza Del Fierro or mas kilala sa tawag na Rotonda. Oo rotonda lang ang nakagisnang tawag dito. Kaya naman nung marinig kong merong rotonda sa Espana, akala ko katulad nitong sa lugar namin.

Dati mataas na plaza ito na kung kadalasan ginaganapan ng mga programa or pagtatanghal ng mga artista lalo na pag fiesta. Bumaba na lang ito dahil na rin sa proyekto ng gobyernong pataas ang mga kalsada dahil sa baha.

Maraming tao, maging bata or matanda ang tumatambay dito. Nakaupo. Naglalaro, Nagtatakbuhan. Meron ding mga nag iimote lang din. Kadalasan tagpuan din ng mga magkasintahan.

Dati ang monumento ni Del Fierro ay nasa gitna. Yan ang kadalasang base ng mga nagtataguan (tagong-pung). Kaya siguro napunta na sya sa gilid kakatulak ng mga batang naglalaro :-)

Naaalala ko isa sa sikat nakainan dyan ay ang Pepe's Barbeque. Amoy na amoy mo ang usok ng barbeque kahit malayo ka pa lang. Kaya naman ang daming kumakain dito. Naalala ko pag niyaya ako ng aking tatay kumain dyan pakiramdam ko malaking okasyon na yun.

Sa amoy palang ng kanilang barbeque mabubusog ka na. Kaya mapalad kang nakatiwa sa paligid nito, malamang kanin lang at amoy nito solb ka na.

Kami namang magbabarkada bumibili ng pisong sabaw. Nilalagay ni manong ang sabaw sa isang plastik. Kakagatin namin ang isang dulo ng plastik at dito sisipsipin ang mainit na sabay. Ingat lang kasi mainit ang plastik.

Sabaw at sabay langhap sa amoy ng iniihaw na barbeque solb na ang merienda namin.

Saturday, June 22, 2019

Operation-Basag-Paso

Aside from Operation Doorbell, we had another trip. We call it Operation-Basag-Paso...

Paso or vase (or base... yung paso ... as in paso ng halaman... basta yung tinataniman ng halaman!) is a container that contains a plant. Gets?

Usually, ito ay nakapatong sa mga patungan... gets ulit? Merong mga patungan na pinagawa. Mayaman ka kung maraming layers. Ngunit kadalasan nakapatong ito sa mga bakod na gawa sa hollow blocks. Katamtaman lang naman ang mga taas ng mga bakod na ito kaya kayang kayang diligan ng mga may-ari ang mga halaman.

Pasensya naman kung minsan (kung hindi madalas) naiitulak namin ito. Katuwan lang naman...

Promise di ito madalas... minsan talaga kailangan na namin itigil kasi di rin nakakatuwa pagtumagal.

Mas masaya pa rin ang Operation Doorbell.. walang nasisirang bagay.

So try at your own risk.

Wednesday, June 19, 2019

San Jose De Gagalangin Church



Sa kahabaan ng kalsada Juan Luna matatagpuan ang simbahan ng Gagalangin - ang San Jose de Gagalangin. Tapat sya ng Mercury at Jollibee Juan Luna. Kung ikaw ay galing sa Maypajo, Caloocan, ito ay bago pa mag Torres High School.

Dito kami ng mga tropa nagsisimba.

Oo noh! kahit ganito kami nagsisimba kami.

In fact, nagseserve kami dyan... Catholic Youth Movement (CYM).

Naalala ko sa ilalim ng simbahan merong lumang seminar house na kung saan ginagawa ang mga cursillo at syempre ang mga seminar ng CYM.

Tuesday, June 18, 2019

Sa mga susunod na araw, sa pamamagitan ng Google Map, babaybayin natin ang mga kalsada Gagalangin at unti unti nating babalikan ang magaganda alaala ng mga lugar kung saan masayang lumaki ang mga kaibigan.

Abangan...

Friday, June 14, 2019

Kapansin-pansin matagal tagal na rin nung huli akong nag post dito. 
Marami nang nagbago, maraming mga ganap.
Pero tuloy ang kwento…
… alalahanin ang nakaraan
… masayang kabataan

nung tayo ay matitibay pa