Wednesday, March 3, 2010

Getting Some Hype with a New Hairstyle

Sikat na sikat nuon yung hairstyle ni FrancisM na pineapple chunks. Sinabayan pa ng hairstyle ni Charlie Sheen sa pelikulang Wild Thing.

Kaya naman si Libag, nagmamadaling sumunod sa uso.

"Dre, gupitan mo na ako... pineapple chunks!", request ni Libag sa kanyang pinsan na si Japot.

"Oo ba, madali lang yun!", ang sagot naman ng nagmamagaling na si Japot.

Wala silang makuhang matinong gunting nun. Naghanap na sila sa lahat ng sulok ng bahay pero wala talagang gunting na maayos ayos. Ang tanging gunting na nakita nila ay yung 'cuticle scissor'. Eto yung gunting na medyo baluktot yung dulo.

"Pwede na ito", sabi ni Japot.

"Sige", pumayag naman si Libag.


GUPIT! GUPIT! HAGOD! GUPIT!

"Dre, masyado yatang mataas?", tanong ni Libag pagkalipas ng ilang hagod ni Japot.

"Ganun ba? Teka, pantayin natin", sagot naman ni Japot na tuwang tuwa naman sa kanyang obra.

HAGOD! GUPIT! TABAS! TABAS!

"TEKA... dre ang taas!!!", babala ni Libag na ngayon ay nagsisimula ng mag-alala sa kanyang itsura.

"Ah... eh... mahirap pala...", ang alinlangan na sagot ni Japot.

Tinitigan ni Libag mabuti ang kanyang sarili sa salamin.


Ang kanyang pineapple chunks hairstyle ay naging tapyas na niyog.

"ay !@&#^@&^&%(@!!!!"

Sabay kamot ng ulo...
umalis...
di nagsalita...

patungo sa parlor ni Miong bakla...

umaasang maibabalik pa ang kanyang dignidad at nasirang itsura.

No comments:

Post a Comment